Sunday, October 17, 2021

ELECTION 2022

Pormal nating inihain ang Certificate of Candidacy (COC) bilang kahalili at opisyal na kandidato ng PDP-LABAN bilang Vice Mayor sa Bayan ng Mansalay, Oriental Mindoro. Naniniwala tayo na higit kailanman, ang ating bayan ay nangangailangan ng ating serbisyo at kalinga. Sisikapin nating maiangat ang estado ng paglilingkod-bayan sa pamamagitan ng mga programa at ordinansang napapanahon at kapaki-pakinabang. Noon, nagampanan natin nang marangal at mahusay ang ating tungkulin bilang opisyal sa lokal na pamahalaan. Kaya naman, matapos ang pagsisiyasat at konsultasyon kasama ang pamilya, mga kaibigan at taga-suporta, nakapagdesisyon tayo na i-atras ang kandidatura bilang Provincial Board Member at tahakin ang hamon sa karera ng bise alkalde. Sa pagkakataong ito, ang tanging puhunan natin ay ang tiwala, oras, lakas at pagmamahal ng mga taong naniniwala sa ating pangarap para sa mahusay na pamumuno, mapayapang kumunidad at progresibong bayan ng Mansalay. Sa lahat ng taong sumusuporta at patuloy na nagtitiwala sa lakas ng kabataan, maraming salamat! Lalaban tayo nang patas, malinis at may dignidad. Thank you Lord for the opportunity to serve. God bless, MansaleƱos!

No comments: