Thursday, June 14, 2012

Ang "Tinapay" Ni Aling Besyang

Tuwing umaga, kapag maaga ako nagigising, nakaugalian ko nang bumaba mula sa ika-anim na palapag ng gusaling aking tinitirhan para mghanap ng panlaman t'yan sa almusal. Agad akong dumideretso sa tinapayan sa kabilang kanto. Ito ang masasarap na tinapay na bumubungad sa mga parokyano tuwing umaga sa bakery ni Aling Besyang. Nakakahalina ang amoy, masarap sa mata at swabe sa panlasa.

No comments: