Showing posts with label pilipinas. Show all posts
Showing posts with label pilipinas. Show all posts

Monday, February 13, 2012

Republic of Corruption


Corruption has been one of the major problems of our country for centuries. It can be traced back during the Spanish era wherein our own colonizers itself practice corruption in many ways, some in government affairs and projects and most are from religious means from Spanish priest or prayle. For 333 years, we were exposed to that kind of obnoxious attitude which taught us to abuse minority and feel superior to ourselves while lavishing the money poor people had worked hard to earn.
            We are now in the middle of advancement where our country encourages development and breakthroughs for the betterment of people. The undeniable influence of modernity became an imprint to our daily life which left nothing but history books to tell us of the ruins and traditions our colonizers had instilled us. Slowly, we are loosing our tight hold to our old cultures which were the product of hundred years of imprisonment and great oppression from different countries; however, corruption, still rigid and hard, had survived and remained as an unresolved problem reigning in our society and a bit of a remembrance from our colonizers.
            Up until now, we see through our own eyes how corruption is solved with tolerance and no action. It seems like its pretty normal that a politician is corrupt, that a government leader is being paid for illegal means that a man must die to stand against corruption and that nobody survives when you’re against it. If you can’t beat them, then be one of them. That might be the reason why only a few stands for the right. I’m afraid if this continues, no progress could be seen and we will forever remain as a developing country. We will forever suffer the aftermath of lenience with corruption. However, it is never too late to move and put your plans into action. With strict implementation of anti-corruption campaign and should be powered by the government itself and the people as the watchers of justice, corruption may still be shattered into pieces. We, citizens should pay attention to the politicians who are not practicing the campaign. There should be no exceptions, no family, friends, or close relatives that will stop them from being charged with corruption. To this campaign, there is no blood and acquaintances involved. Everyone should be punished if failed to get rid of corruption. The implementation of the campaign should be fair and equal.
            With the increasing number of population, the greater the demand of food and the higher risk of poverty, we should not let corruption get in our way again. By exterminating it, other branch out problems would be gone like poverty and scarcity of food. So let us be part for a bigger change.
Courtesy: http://ironicempress.tumblr.com/

Tuesday, June 14, 2011

KALAYAAN 2011



              Ipinagdiriwang natin ngayong taon ang ika-113 anibersaryo ng ating araw ng kalayaan. Ito ang dakilang araw upang gunitain ang kabayanihan ng mga Pilipino na nakibaka at nagbuwis ng buhay upang makamit natin ang tinatamasang kalayaan. Ang kagitingan at mga pasakit na ito ang dahilan kung bakit ang Pilipinas ay isang bansang malaya.


                Ang Pamamahayag ng Kalayaan ng Pilipinas ay ginanap noong Hunyo 12, 1898, kung saan idineklara ng mga Pilipinong rebolusyonaryo sa pangunguna ni Heneral Emilio Aguinaldo ang soberanya at kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya matapos matalo ang mga ito sa labanan sa Look ng Maynila sa Digmaang Espanyol-Amerikano.

              Kung ating susuriin sa ating kapanahunan,  ano nga ba ang tunay na kahulugan ng kalayaan? Oo, totoong malaya na tayo sa maraming aspeto ng pamumuhay at lipunan. Malaya din tayo laban sa mananakop o anumang impluwensyang banyaga. Malaya nating naipapahayag ang anumang saloobin na walang bahid ng  pag-aalinlangan, freedom of expression ika nga. Pero kung kalayaan sa katiwalian, kahirapan, pang-aabuso at pananamantala ng mga namumuno at kapwa Pilipino ang pag-uusapan, isang malaking katanungan ang nakahuma sa ating harapan.


                Sa aking pananaw, wari’y nawawalan ng saysay ang mga ganitong okasyon sa iba nating kababayan dahil sa mga katiwalian at kahirapan sa ating bansa. Maraming Pilipino ang hindi man lamang naramdaman ang diwa ng pagdiriwang na ito dahil sa mga balakid na kanilang hinaharap sa pang-araw araw na buhay. Nakakalungkot ang ganong tanawin. Ano kaya ang masasabi ng ating mga bayani kung mabubuhay pa sila sa ating panahon? Nawa’y magsilbi itong hamon sa kinauukulan. Hamon din ito pra sa bawat Pilipino na patuloy na magsikap upang makamit ang sariling kalayan sa pansariling kapamaraanan.

                Gayunpaman, dapat pa din tayong magpasalamat sa anumang kalayaang tinatamasa natin ngayon, maging positibo sa lahat ng bagay. Pangalagaan natin ito at huwag hayaang maagaw pa ng sinuman. Ipaglaban natin ito laban sa mananamantala sa anumang kaparaanan. Higit sa lahat huwag tayong magmalabis upang hindi tayo masadlak sa anumang uri ng kasakiman na siyang humahadlang upang makamit ntin ang tunay na kalayaan.


              Maligayang Araw ng Kalayaan, Pilipinas. -shernan