Monday, January 27, 2014

NGITING TAGUMPAY PROJECT

NGITING TAGUMPAY PROJECT: I have done many physical exams in Day Care Centers & Elementary Schools in Mansalay. By far the biggest health problem is dental decay. For that reason, I begun teaching the youngest children in the schools how to brush and take care of their teeth. As an incentive we are giving each child in those classes a toothbrush & toothpaste and actually have them use it during the teaching. This Healthy Teeth Campaign is for every Day Care Centers & Elementary Schools in the Municipality of Mansalay.


BANTAY KALUSUGAN Project

BANTAY KALUSUGAN: Health Check-up is a chance to have a private, face-to-face assessment and conversation with a Health Care Provider (Physician, Nurse, Pharmacist) to better understand their health conditions and how/when to take their medicines, what they are doing for the patient and how to control any side effects. This is a Free Health Check-up/Assessment and Free Basic Medicines Program given to community people of Mansalay. As a nurse I am striving to achieve long term and self-sustaining healthy communities where extreme poverty and lack of basic  education and healthcare are a problem. I believe that through spiritual healing and preventive care a healthy community can enable itself to withstand the challenges of tomorrow.


Tuesday, January 21, 2014

Empowering the Youths.

I proposed this ordinance to the Sangguniang Bayan of Mansalay to develop a sports program in providing opportunities to bring out the best in the players and elevate them to a highest level in sports; To encourage all sports organizations be it municipality-wide or Barangay-based level, to foster a development program in an atmosphere of cooperation and participation; To support implementors and its leaders toward capability- building, and; To draw/elicit commitment from individuals and institutions, thus bringing Mansalay towards excellence in sports.


Saturday, January 11, 2014

PRIVILEDGE SPEECH (January 8, 2014)

BAGONG TAONG 2014

Tulad ng dati, tuwing darating ang Bagong Taon,  pag-asa at tuwa ang inaasam ng mga kababayan natin. Una sa lahat, ang hiling ay pagbabago sa pananaw, sa sarili, sa mamamayan at bayan . Bawat isa sa atin ay naghahangad ng progresibo at maayos na pamumuhay .

Tuwing Bagong Taon, halos lahat tayo ay gumagawa ng pangako sa sarili sa pamamagitan ng “New Year’s’ resolution. Ang tanong: May natupad ba tayo sa ating mga ginawang  pansariling resolusyong? At sa loob ng mahabang taon ng iyong ginagawa ang New Year’s resolution, ilan ang natupad?

Samakatuwid, tayo mismo ang simula. Nasa ating mga kamay ang tunay na pagbabago na hinahangad natin para sa ating bayan. Ito ay panahon ng pagkakataon para sa ating lahat upang ilagay sa tamang landas ang sarili at bayan.  Napakahalaga ng papel natin sa ating bayan dahil sa pamamagitan ng tamang pamumuno at pagbalangkas ng bago at nararapat na batas ay kasabay din ang tunay at epektibong pagbibigay solusyon sa isyu ng korapsiyon, kahirapan, kaunlaran, kaayusan at kapayapaan.

Kung sa gayon ay kailangan tayong maging aktibo sa pakikilahok para sa pagkamit ng tunay na pagbabago para sa ating bayan.

Totoo: kapos ang pagsisikap na baguhin ang mga istrukturang panlipunan kung hindi babaguhin ang indibidwal, kagawian o kultura. Pero kung hindi hahantong sa nauna, kapos din ang ikalawa – magpapanatili sa mapagsamantalang kaayusan at magbibigay lang dito ng makataong itsura.

Kung tutuusin, kung palalalimin sa mga istrukturang pang-ekonomiya’t pampulitika ang mga suliranin ng bayan. Malamlam man sa pandinig subalit nararapat lamang na pagtuunan ng pansin ang mga serbisyong tunay na kailangan ng ating mamamayan: Pagkain, malinis na tubig, trabaho, gamut at serbisyong medical, malinis at tahimik na kapaligiran, karapatang pantao at kalidad na edukasyon.

Samakatuwid ay malaki ang gagampanan nating papel para sa pagkamit ng pagbabago sa ating bayan. Kaalinsabay ng mandatong ipinagkaloob sa atin ay kailangan nating iparating sa mas nakatataas at aksyunan ang tunay ang hinaing ng maliliit na mamamayan at nilalaman ng ating mga puso at isipan, hindi puro pangako at salita lamang. Manapa’t kailangan nating makialam upang siguraduhin na ang interes ng mamamayan ang isusulong ng mga taong nakaupo sa Barangay, Munisipyo, Kapitolyo, Kongreso at Senado at hindi ang interes ng kung sino man ang gusto umupo at manungkulan.

Sama-sama nating harapin ang bagong taon taglay ang pusong hangad ay tunay at makabuluhang pagbabago para sa sarili at para sa bayan.

Maraming Salamat po. Maligayang Bagong Taon





Hon. SHERNAN F. GAMOL, RN
Municipal Councilor
Mansalay, Or. Mindoro