Sa tuwing uuwi ako ng Mindoro, hindi mawawala sa eksena ang mga kabataang sumisigaw ng "hagis barya" pagdaong ng barko sa pier. Mahuhusay lumangoy ang kabataang ito. Animo'y nagmamakaawa na hagisan man lang sila kahit konting barya. Hanga ako sa kanilang galing sa pagsisid ang paghuli ng barya na wari'y lamang dagat kung bumulusok paibaba sa kalaliman ng dagat.
Sa aking paghihintay sa pagbaba ng bangka, sumasampa ang ilang kabataan sa gilid ng bapor, marahil sa tindi na rin ng sikat ng araw. Halos kulay sunog na nga ang mga balat nila. Marahil, iyon na ang ikinabubuhay nila. Minsan pa nga, kasama pa nila ang maliliit na bata.
Gamit ang talento sa paglangoy at pagsisid: “Kuya, hagis barya kayo diyan!” ang sigaw nila. Namamaos na nga ang iba sa kanila. Habang ang ibang pasahero ay aliw na aliw na humahagis ng barya, naisip ko na ang baryang inihahagis mo sa dagat ay s'ya nilang ikabubuhay.

1 comment:
Bitin.,
Post a Comment